Friday, May 1, 2009

JPIA-ANNUAL NATIONAL CONVENTION

Sa dinami dami ng problems na na-encounter, finally nakarating din kami sa ANC(annual national convention) sa NEGROS OCCIDENTAL..

UNANG EKSENA: SERIOUS MODE

during elimination round at second round ng JPIA CUP sa BLT (BUSINESS LAW AND TAXATION) at P2 (PRACTICAL ACCOUNTING 2).. hanapin nyo na lang ako sa liit nyan... hehe
BUKINGAN: dapat talaga sa P2 lang ako magccompete.. pero go na rin sa BLT kahit hindi pa nkakapgtake up ng taxation subject.. hehe.. mega hula tuloy ako sa percentage ng tax sa mga problems dun.. nakapanghula naman ng isa.. hehe

IKALAWANG EKSENA: THE MIGHTY VOLCANO

Mt. Kanlaon ang bulkan sa Mambukal Resort,.. kung ang San Pablo City, Laguna ay may Pitong Lawa,.. ang Murcia ay may Pitong Talon.. hanggang sa 3rd falls lang ang naakyat namin dahil soooobrang nakakapagod.. nanginginig na nga pata ko nung pababa eh...

BUKINGAN: achievement na nga para sakin na nakaakyat ako dun dahil may fear of heights ako... kaya nung pababa na ng bundok (bulkan daw ang Mt. Kanlaon at active siya) eh paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko "hindi ako takot! hindi ako takot!".. haha.. oo! inuuto ko ang sarili ko..

IKATLONG EKSENA: "PICTURAN MO KO THEN PICTURAN KITA"


Dahil tatlo lang kami na laging magkakasama (itago na lang natin sila sa tunay nilang pangalan na Jervy at JayR) it was so difficult for us na picturan na kumpleto kaming tatlo dahil kung hawak ng isa ang camera eh hindi kami kasya.. haha kaya ang set up, PICTURAN MO KO THEN PICTURAN KITA AFTER or PICTURAN KO KAYO THEN KAMI NAMAN MAMAYA PICTURAN MO.. hehe

IKA-APAT NA EKSENA: MEETING NEW FRIENDS


hmmmm.. schoolmates kami pero hi! hello! lang kapag nagkakasalubong.. o kaya naman mga short conversations like "anong book gamit mo sa gantong subject?" or "mahirap ba makasurvive sa gantong subject?".. pero sa 4days na nakasama ko sila... sooooooobrang saya kahit na nasusungitan ako ni Kuya JR minsan tapos icocomfort ako ni jervy,.. or magtatampo si Jervy kapag hindi napagbigyan ang gusto tapos pagtatawanan at lalo lang namin siya iinisin ni Kuya JR...


para naman sa mga bago naming friends na itatago sa tunay nila ulit na pangalan,.. Yvette, Joshua, Sir Rei, Ate Roma, Mam Lani, Dex, Kuya Reginald, at yung iba pa na hindi ko maalala ang name,.. kitakitz sa next convention at yung mga graduate na at go na sa Board Exam sa October, manlibre (para to kay Kuya JR, Kuya Reginald, Jervy, Joshua, Dex, at Ate Roma.. haha)

IKA-LIMANG EKSENA: ANG PINAKA


PINAKA NAKAKAKABA:

ang pinaka-kinabahan ako.. hehe mas kinabahan pa ko jan compared with the NFJPIA CUP.. pero i really mean it when i said "it's not just about the end result,.. it is how you fight and how you stand up for your self..."

PINAKA MALI NA GINAWA KO:

ang akalain na exempted ako sa pagbabayad ng terminal fee sa airport.. hehe.. P200 na nga lang tatakasan ko pa.. haha

PINAKA BAGONG REBELASYON:

naaattract DAW ako sa magaling sa MAS(MANAGEMENT ADVISORY SERVICES)... at ang COKE ay nakakalasing..

PINAKA PASAWAY:

mga tga REGION 4.. buti hindi tayo napaalis sa convention nang dahil sa tatlong beses kong pagkuha ng leche flan, dahil sa pag-iingay naten (pero wala pa rin tatalo sa mga poker face singer.. ;p), at dahil sa mga ginagawa natin sa gabi na bonding session.. hehe


PINAKA FAVORITE NA PICTURE KO:




hehe.. kapag tulog lang si Kuya JR kayang gawin ni Jervy yan... haha.. pinagbigyan ko na si Jervy na picturan yan dahil nag-eemote ang Jervy nung hindi kami pumayag ni Kuya na makipagpalit ng seat sa plane back to Manila...

No comments: